Popular Posts

Showing posts with label article. Show all posts
Showing posts with label article. Show all posts

Thursday, March 31, 2011

Panibagong yugto ng pakikihamon sa buhay April 1 2011




[ ang tulang ito ay handog ko sa 3science. May mawawala man sa amin hindi ito magiging hadlang up[an gaming samahan ay maglahong parang bula. May awayan man ay wala na akong pakielam basta alam kong kapiling ko mga kaklase kong minamahal. Sana magustuhan ninyo ito.]

Tila nga isang panaginip,
Nang malaman kong ako pala’y hindi mawawalit,
Sa pangkat na aking iniibig
Niluluhog ng aqking dibdib

Aking ikinatuwa ang aking nalaman,
Kumakalat na balitang hindi mapaniwalaan,
Ang dating labing-apat ngayo’y iilan na lang,
Ngunit hindi pa rin ito magiging hadlang.

Pagasasamahan pa rin ng science, di mapapantayan,
May maaalis, may malayo man,
Hindi pa din hahayaan,
Na pagkakaibiga’y mawala ng lubusan.

Sa pagdating ng panahon, tayo’y magsasama ulit,
Susulitin ang panahong sati’y pinagkait,
Mga pusong sabik na sabik,
Inuuyam nitong ating daigdig.

Sa bawat isa sa atin hangad ko’y tagumpay,
Makamit natin mga ninananais sa buhay,
Pagnakadaupang-palad muli’y may isaysay,
Sa dating nakasamang maglakbay.

Kahit anong mangyari’y magpasalamat sa Panginoon,
Siya ang dhilan ba’t sa pagsubok tayo’y nakakabangon,
Hindi hinahayaang malugmok sa kahapon,
Nais niya tayo’y sumaya paglaon.

Mensahe ko’y wag sayangin mga oportunidad,
Nais ng Maykapal tayo’y maglayag,
Linangin talento, pagyamamaning lahat
Sulitin ang buhay, tayo’y mapalad.


Marie Kristelle Aguilar
Bukang-liwayway

Monday, March 21, 2011

3-science, Ang Pamamaalam ay Hindi Nangagahulugang Wakas

[ nung nalaman ko na hindi na ako mapapabilang sa IV-sciance, nalungkot ako, parang kalahati ng buhay ko ang nawala. paano na lang ako? mawawala na ba sa akin ang mga kaibigan ko? sa sobrang pagmamahal ko sa 3-science, nangako ako na bawat isa sa amin ay gagawan ko ng tula, bukod pa ang tula para sa buong 3-science. at ngayon nga eto na siya. Sana magustuhan ninyo]

III-Science
March 16 2011

Sa tatlong taong tayo'y magkakasama,
Ako ay lubha nyong napasaya
Kaya bago ko tuluyang lisanin na,
Nais komalaman nyo, sa aki’y kayo’y mahalaga.

Hindi maitatangging samahan ay lumalim,
Sa isa’t isa’y nagsasabihan ng lihim
Marami mang humahadlang satin,
Nanatili pa rin samahan natin.

May mga panahong tayo’y nauungusan,
Ng ibang mga tao sa mga labanan,
Ngunit araw di’y nagtatapos, ating nauunawaan
Na ganyan lang talaga minsan ating kapalaran.

Ngayon nga’y tayo na’y maghihiwalay,
Maninibago tayo, dahil hindi sanay
Mababawasn kaligayang taglay,
Ngunit pagkakaybigan, hindi malulustay.

Samahan ng III-science, sadyang kakaiba,
Sigurado kong pag ika’y napasama,
Lahat sila’y iyong nakasama,
Malulungkot ka kapag sila’y nawala.

Paghiwalayin ma’y wala akong pakielam,
Basta’t ala-ala natin wag kalimutan,
Atin itong ituring na kayaman,
Balikan natin saying dulot ng nakaraan.


{marie kristelle aguilar}
< bukang liwayway>


Sunday, February 13, 2011

I am a Netizen, A Responsible Netizen

I am a responsible netizen. I don’t hack other websites and I will not hack. As long as I am using internet as one of my communication utilities I will not do anything that will harm other persons because if I will do such things I am disobeying myself also. If I want to be respect by others I have to respect myself first. If I want others to be a responsible netizen I should be a responsible one first. Wanting something to happen to others may have to begin from you. Unlike other persons that all they want from internet is popularity I will prove that internet is not just for popularity it is for the goodness and safety of others that are using it in a good way.

Thursday, February 10, 2011

Florante at Laura

Florante at Laura......
Francisco...........Balagtas

Refrain:
Tayo ng magpuri sa ang ating bathala,
Sa handog niyang Florante at Laura,
Na magsisilbing isang halimbawa,
Ng pag-ibig sa buong madla.

Koro:

Tayo ng siyang papurihan,
Balagtas ang kanyang pangalan.
Likha niyang dapat tularan,
Ng bawat isa sa ating sanlibutan.

Halika na, ating pag-igihan,
Ang pagganap sa mga tauhan.
Ito'y ating karangalan
Biyaya sa atin ng...Poong Maykapal...

Florante at Laura......
Francisco...........Balagtas....

Tayo ng siyang papurihan,
Balagtas ang kanyang pangalan.
Likha niyang dapat tularan,
Ng bawat isa sa ating sanlibutan.

Halika na, ating pag-igihan,
Ang pagganap sa mga tauhan.
Ito'y ating karangalan
Biyaya sa atin ng...Poong Maykapal...

Biyaya sa atin ng.. Poong Maykapal.......




Sunday, February 6, 2011

mask sweetheart: likha ko

mask sweetheart: likha ko: "[ Sa panahon na ginangawa ko ang kantang ito ang nasa isip ko lang ay ang makatulong sa seksyon namin. gusto kasi namin manalo. Ang kantang ..."

likha ko

[ Sa panahon na ginangawa ko ang kantang ito ang nasa isip ko lang ay ang makatulong sa seksyon namin. gusto kasi namin manalo. Ang kantang ito ay nilapatan ng tono ni Khryss Leanne Omnesat inawit naman ito ni recy Luren Pagaduan. Tumulong din sa akin si Marvin Custudio.Maraming salamat sa kanila.]


Sino,sino nga bang dapat papurihan
Sa kanyang nilikhang ukol sa ibigan?
Florante at Laura ang siyang pangalan
Na isasadula ngayon sa tanghalan.

Francisco balagtas wala ng iba pa
Dapat parangalan sa kathang maganda
Siya'y bigyang pugay, gawing huwaran pa
Taglay niyang galing ibahagi sa iba.

Taglay niyang galing.... ibahagi sa iba..

Mula sa bumigkas hanggang sa gumanap,
Pati nag-siawit at sa nagbalaangkas
Inyo pong tanggapin ng may tuwa't galak
Ang tanda ng wakas at pasasalamat.

Paalam, paalam sa inyong lahat
Sana ay natanto nais ipahayag
Salamat, salamat sa pagmamatyag
Sana'y nasiyahan sa aming 'tinanghal

sana'y nasiyahan sa aming.....'tinanghal...