Popular Posts

Sunday, February 20, 2011

Ang Pizza-like structure ng Mars


Isang napakagandang araw sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, ang araw ay sumisikat na para bang  sa bawat sikat nito ay kaya nitong mapigilan ang alitan sa mundong ibabaw. Ang mga halaman ay umiindayog sa hampas ng hangin na tuwang –tuwa sapagkat sa magandang sikat ng araw ay panibagong buhay na namn ang dulot nito sa kanila.
                Ngunit wala sa itsura nito na nag mga estudyante ditto ay high-tech na. Ang  mga upuan nila ay powered by electricity na, ang locker ay pwede na paglaygyan ng kahit anong gamit dahil undefined anh capacity nito. Ang mga guro ay hindi na napunta sa bawat room para turuan ang mga handle nilang section, ang ginagawa na lang nila ay gumagamit sila ng hologram na nakaset na ang itinuturo for that particular day para hidi sila mapagod. Siyempre hindi pa rin mawawala ng special treatment para sa mga parioritized na science –oriented-curriculum students , robots na ang nagtuturo sa kanila. Nakasaet na ang mga attitude at IQ ng mga teacher robots. Ang mga fculty ng teachers ay nag-improved na din. Mala-apartment na ang bawat space para sa teachers, kumleto ito sa appliances kaya pwede ng hindi umuwi ang mga teachers at ang principal, hala , may malaking flatscreen sa kanyang office parang sine. At ang flat screen na ito ang ginagamit sa bawat announcements. Kapag may announcement ganito lang ang gagawin ng principal, pipindutin lang niya ang letters sa screen para mabuo ang kanyang mensahe tapos isesend niya lang. Ora mismo, wala pang isang oras napadala na ng mensahe sa bawat room ng dizon high, mag-aapear kasi ito sa computer na nasa bawat room. Wala naming tatalo sa guard na robot din, mas mabuti na daw kasi na robot ang guard para daw hindi corruptat hindi nasusuhulan. Saan ba naman nila gagamitin ang pera, pang-belo, pang-kain, hindi naman nila kailangan ‘yon. Iba na rin ang canteen ng dizon high. Ang capacity nito ay more than 500 students at iba na ang process ng pagseserve ditto, imbis na pumila ka pa ang kailangan mo na lang gawin ay itext ang waitress o waiter kung ano ang order mo at kung saan ka nakapwesto, maya-maya andyan na ang oreder mo.

                Iba na talaga ang dulot ng teknolohiya.

                Isang araw, kakatapos pa lang magturo ng robot teachers na sina mr.eyeshield at ms. Handpower , hindi pa nakakaalis ang mga estudyante sa room ay may nag-appeaer na namn na balita sa computer. Ganito ang report:

                “ Isang hindi inaasahan na balita,PARTE NG MARS, BABAGSAK SA EARTH, ang pizza-like-structure na bahagi ng ay babagsak umano sa  san Pablo, laguna, ganap na ika-labing-isa ng umaga ngayong araw. Ito daw ay tatama sa paaralan ng dizon high. Ang pangyayaring ito ay hindi nabatid ng mga batikang siyentista. [pinag-iingat ang mga maaaring maapektuhan nito.”wika na reporter sa channel 2222.

                Pagkatapos na pagkatapos ipakita ang report ay sumunod naman ang announcement ng principal na wag daw muna lalabas ang mga estudyante sa kanilang mga room.

Wala pang kalahating oras ay bumagsak na nga ang naturang bahagi ng mars. Mabuti na lang at walang napinsala, maliban na lang sa isang pusa na nasa oval. Kaawa-awang pusa. Nasupok ng di-oras.

hindi pa man nakakaget-over ang mga guro at estudyante ay nagdumugan na ang reporters sa oval, siguro ay mahigit isang daan na ang reporters doon at hindi lang sila puro taga-pilipinas mayroon ding nagmula pa sa karatig bansa.

Marami ang usap-usapan, ano ang gagawin sa bagay na iyan? Sino ang may-ari niyan? Kanino yan mapupunta, sa gobyerno ba o sa dizon high mismo? Maituturing ba itong kayamanan ng pilipinas gayong isa itong bahagi ng planetang mras? Maaari pa kaya itong maibalik sa pinanggalingan nito? Kapag sa dizon high ito napunta,  ano naman ang gagawin nila ditto, idididsplay sa oval, paano na lang ang track events na taon-taon ginagwa ditto? Pag sa gobyerno naman, isa pa itong pagmumulan ng krimen, mag-aaway lang ang kung sinu-sinong pulitiko.

Nag-aalok din daw ang pamahalaan ng amerika na bilhin ito sa halagang $23 000 000 ang dahilan daw ay para pag-aralan ito don ng mga astrologist at iba pang scientist.
Ang europa, nag-aalok din sa halagang 42 000 000 na euro , walang binigay na dahilan ang pamahalaan ng Europe basta daw kahit gaano kalaking halaga ay kay nila itong bilihin.

Alin ang pipiliin ng teacher’s committee ng dizon high. Para makapag-isip , humingi ang mga teachers katulong ang principal na oras sa awtoridad para pag-usapan kung kanino dapat mapunta ang pizza-like-structure ng planetang Mars. Pumayag naman ang pamahaaan ng dalawang bansa.

(Sa loob ng Teacher’s meeting hall)
“hindi lingid sa kaalaman nating lahat na kontrobersyal ang parte ng Mars na sinamang palad na sa loob ng paaralan natin bumagsak, ngayon saan ninyo gusting mapunta ang unlucky-part ng Planet Mars?”tanong ng principal.
“mam, sa America na lang po.”sagot agat ni ms. Bimez
“bakit naman?. Tanong ulit ng principal

Sinabi nito ang kanyang dahlia ito daw ay para sa popularidad ng school, maaari daw na sa dizon high magtaping ng music video ang Hollywood artists.

Sumagot naman ang isa pang teacher,” ma’am me I want that mentioned structure to belong to the European republic, why? Because Europe is a great country in the world history. If we will negotiate to them we can be part of the earth’s history and this popularity is for good.”
“You have a point Ms.Sumkabil-buay.”ika ng principal.
Kinabukasan tinipon nila ang dalawang grupo ng mga nagnanais sa part ng Mars. Nang sabihin ng principal na sa Europe nila gusto mapunta ang pizza-like-structure ng Mars hindi pumayag ang mga amerikano. Kinalaunan ay nahantong ang usapan sa larong Jack en Poy. Kung sino ang unang maka-five points sa kanila mapupunta ang nasabing part ng heavenly body.
Habang naglalaro ng Jack en Poy ang bawat representative ng dalawang grupo may dumaan na isang pulubi na parang may tama din yata sabay sabing “H’wag na kayo away, mahal ang tinapay.”
Napatingin ang mga tao sa pulubi pero sandali lang. Hanggang sa may narinig silang pamilyar na tunog, parang langitngit ng pinto. Nang hinanap nila kung saan nanggaling ang tunog. Nakita nila na umuusok ang part ng Mars. Nang mawala nag usok, May lumabas na isang napakagandang prinsesa. May tatlo itong mata, isa sa likod at dalawa sa harap. Mahaba nag buhok nito na kulay dilaw. Ang suot nito na gown ay kulay silver na nakakasilaw tingnan.
Ang lahat ay nabighani sa kanilang nakita pero inagtaka ang lahat ng mapansin nila na ito ay nakatingin sa pulubi at ito ay papunta rito.
Pagkalapit ng di nakikilalang prinsesa sa pulubi ay nagwika itong “ ikaw ang aking hari, nmatagal na kitang hinahanap, ikaw ang magmamay-ari ng aking minana sa mahal kong ama, iyo na ang aking lupain.Itinakda kang maging asawa ko, kaya sa ayaw mo at sa gusto sasama ka sa akin.”
Tuwang-tuwa ang pulubi, pero ang totoo ay hindi niya alam ang nangyayari. Isinama siya ng prinsesa na nagpakilalang Prinsesa Marcia sa loob ng paert ng nasabing heavenly body. Makalipas ang ilang minuto, lumipad na ang pizza-like-structure na part ng Mars.
Walang nagawa ang mga taong naiwan sa oval ng dizon high kung hindi ang umuwi na lang. Ang mga guro at principal ng dizon ay masaya samantalang amga amerikano at europeo naman ay umuwing luhaan.
Dahil sa pangyayaring ito, naging popular ang dizonhigh, hindi lang sa san Pablo, hindi lang sa laguna, hindi lang sa CALABARZON, hindi lang sa Luzon, hindi lang sa Pilipinas, hindi lang sa Asia, hindi lang sa earth, higit sa lahat ay sa Milky way.



No comments:

Post a Comment